How to Audition at Tawag ng Tanghalan | Paano mag Auditon sa Tawag ng Tanghalan
Sa mga naghahanap ng guide or idea kung paano mag audition sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime, eto po mismo ang mga mangyayari sa proseso ng kanilang ginagawang audition search. These are all 100% sure na nangari last February 29, 2020.
Madalas naman po na nasa kanilang show mismo sinasabi kung kailan at saan ang audition. May mga requirements din sila na pinapakita na kailangang dalhin at ibabahagi ko po ito ngayon dito.
1. Kumuha po kayo ng number na ibibigay ng kanilang crew. Kalimitan naka pwesto ito sa entrance ng mall at doon ka muna pipila para makakuha ng number. Wala pa pong ibibigay ja kahit anong requirements sa kanila that time.
Di po kasi kayo papapasukin ng crew doon sa designated area ng Tawag ng Tanghalan kung wala kayong number. Mas maganda mas maaga para may vacant seat pa para sa inyo. Matagal din kasi sila bago mag start.
3. Siguraduhing may dala po kayong ballpen. May ibibigay sila na forms for each contestants. Ito yung parang pinaka resume mo na ipapasa sa kanila. Hindi ito basta form na parang bio data, may mga questions sila na based on your own experiences katulad ng (what are the 5 things you would do if you became rich) so syempre iba iba ng sagot yan. Madaming pages yung form kasi ung other part looks like an initial contract kaya make it sure na basahing mabuti. Pag may present manager ka na, ipinapa declare din nila yun for future scenario yun.
Kung ang mag audition ay minor (below 18 y.o) need ng parents signature/consent yung form. Sa may bandang likod yun makikita, kaya kung dapat may kasama na magulang yung mag audition na mga minor pa para di masayang ang pag punta nyo sa audition site.
4. Hihingian nila kayo ng 5 Tagalog songs and 5 English songs. Yung ang magiging reference nila ng kakantahin nyo sa audition. Kaya dapat ma analyze nyo na maigi yung mga pondo nyo before the day ng audition. Ang nagiging problem kasi hindi aware ang mga nag audition na ang 1st LEVEL is ACAPELLA. Yan ang nagpapabago ng scenario doon kasi akala ng lahat ay gagamit ng minus one with microphone pero di pa pala sa level na yun.
Dahil sa dami ng maririnig mo na kumakanta na bago ka pa makakanta, yung isip mo mag kakagulo gulo sa mga kanta na bagay sa boses mo. Halos lahat ng nakita ko na nakapasa sa level 1 mga bumibirit (both girls and boys). Kaya tuloy ang nasa isip mo kailangang maka birit ka katulad nila. Ang dami ding mga nag audition na matataas at magaganda naman talaga ang boses pero di nila ipinasa. Di ko alam kung ano ang hinahanap nila, baka dependa sa nag-i screening. Ang acapella ay isa sa mga tricky ways para maligaw ka ng range or key mo. Madami ang bumabagsak dahil nakapag simula sila ng napaka taas agad ng key kaya pagdating ng chorus or the climax part di na nila kinakaya, masyado ng mataas talaga. Kaya dapat ma-tengahan ng maigi yung perfect pitch para sa kanta na pipiliin mo para sa Level 1.
5. Mag baon ng pagkain or lunch pack at tubig syempre. 10 am to 5 pm ang oras ng audition nila, pero magpapakanta sila after lunch na kaya dapat may pagkain ka na baon. As a tip, wag po kayo magpapakabusog para makakanta at makahinga ng maayos. Dahil inside mall, magdala din po kayo ng jackets para di lamigin. Malaking epekto sa boses pag nakaramdam na ng lamig kaya stay warm inside the mall is a better one. Kung makapag baon ka ng salabat mas mainam na warm para makatulong sa boses mo lalo na pag nag trigger yung kaba. Mangangati talaga ang lalamunan mo eventually.
6. Pag nakapasa ka sa 1st level saka ka nila pakakantahin ng may minus one. Some instances after they qualified sa 1st level pinapasalang na agad sa 2nd level. Yung nakita ko kasi may kasabay na audition yung Tawag ng Tanghalan together with Mini Ms.U. Pero based pagkakarinig ko nga ung mga naunang nakapasa na sa Tawag ng Tanghalan pinakanta na ng minus one. Kaya dapat may baon po kayo na minus one guys.
For the second part I would focus sa mga nakita ko na pro's and con's during the audition.
Pro's
1. Di po masusungit ang mga crew. Mababait sila and very approachable and well-organized din.
2. May inilaan na upuan sa mga nag audition kaya napaka laking tulong na yun dahil mahirap tumayo ng matagal.
3. May security and staff na nakapaligid along the event kaya panatag ka.
4. Mabilis nagbigay ng number para sa mga mag audition. Pag pumila ka sabihin mo lang kung saang category ka mag audition tapos bibigyan ka na agad ng number.
5. The crews are smiling and it looks so nice. (yung naging judges sa mga nag audition)
6. After the audition (after announcing who passes the 1st Level) some of them give advices and leave some words of encouragement which is good!
Con's
1. I didn't expect na mataas ang standard nila masyado sa 1st Level qualifier pa lang. Ang dami kong nakita ang nadinig na magaganda ang boses though hindi perfect na perfect pero yung timbre ng voice masasabi mong iba, ngunit di parin nakapasa.
2. Di nila na-inform agad ang mga nag audition na acapella yung 1st Level kaya ang daming nag struggle sa final song na kakantahin nila. Sana nung namigay sila ng forms ay nabanggit nila na ang 1st level was acapella. I don't know kung mechanics talaga nila yung ganun well anyway a good ice breaker lol:)
3. Hindi close venue yung pinag dausan ng audition sa 1st level kaya yung mga may mga soft voices nahirapan talaga na madinig ng maayos ung vocals nila. Unlike pag close room at may mic man lang sa taas mas madidinig ung voice quality lalo na pag acapella ang pinag uusapan. Nag stand out talaga yung may mga higher vocal ranger kung baga mga biritera na. No need microphones :)
4. Pinag sabay nila yung 2 nag audition na kumanta. The other one sa kabilang side, dinig mo mismo ung kinakanta ng kasabay mo. Medyo distracting ang datingan nyan. Syempre kung ikaw ang mag screening sa kanila, ung attention mo mahahati at di mo madidinig ng husto yung voice quality na meron sila.
So i hope na makatulong itong tips and observation na ibinahagi ko sa blog na ito. Pinakamainam kung walang kaba na haharap sa mga crew na mag judge sayo. Lahat naman halos nung nag audition kinabahan kaya ang daming hindi na pumasa. Godbless sa mga susubok mag try sa Tawag ng Tanghalan.
Post a Comment